Bilang 33:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Egipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron.

2. Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan.

3. Umalis sila sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Umalis silang may lakas ng loob, habang nakatingin ang mga Egipcio

4. na naglilibing ng lahat ng panganay nilang lalaki na pinatay ng Panginoon dahil hinatulan sila ng Panginoon sa kanilang pagsamba sa mga dios-diosan nila.

5. Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot.

6. Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, na tabi ng disyerto.

7. Mula sa Etam, nagbalik sila papunta sa Pi Harirot na nasa silangan ng Baal Zefon, at nagkampo malapit sa Migdol.

8. Mula sa Pi Harirot, tumawid sila sa dagat at pumunta sa disyerto. Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw sa disyerto ng Etam at nagkampo sila sa Mara.

9. Mula sa Mara, nagkampo sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma.

10. Mula sa Elim nagkampo sila sa tabi ng Dagat na Pula.

11. Mula sa Dagat na Pula nagkampo sila sa ilang ng Sin.

12. Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofka.

13. Mula sa Dofka, nagkampo sila sa Alus.

14. Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang tubig na naiinom ang mga tao.

15. Mula sa Refidim, nagkampo sila sa disyerto ng Sinai.

Bilang 33