Bilang 32:6-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Sinabi ni Moises sa mga lahi nina Gad at Reuben, “Ano ang ibig ninyong sabihin, magpapaiwan na lang kayo rito habang ang mga kapwa ninyo Israelita ay pupunta sa labanan?

7. Pahihinain lang ninyo ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila.

8. Ganito rin ang ginawa noon ng inyong mga ninuno nang ipinadala ko sila mula sa Kadesh Barnea para tingnan ang lupaing ito.

9. Nang makarating sila sa Lambak ng Eshcol, at nakita nila ang lupain, pinahina nila ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila.

10. Matindi ang galit ng Panginoon nang araw na iyon at sumumpa siya:

11. ‘Dahil sa hindi sila sumunod sa akin nang buong puso nila, wala ni isa man sa kanila na 20 taong gulang pataas na nagmula sa Egipto, ang makakakita ng lupaing ipinangako ko kay Abraham, Isaac, at Jacob,

12. maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo at kay Josue na anak ni Nun, dahil sumunod sila sa akin nang buong puso nila.’

13. Nagalit nang matindi ang Panginoon sa mga Israelita, kaya pinaikot-ikot niya sila sa ilang sa loob ng 40 taon hanggang sa nangamatay ang buong henerasyon na gumawa ng masama sa kanyang paningin.

14. “At ngayon, kayo namang lahi ng mga makasalanan ang pumalit sa inyong mga ninuno at dinagdagan pa ninyo ang galit ng Panginoon sa mga Israelita.

15. Kung hindi kayo susunod sa Panginoon, pababayaan niyang muli kayong mga mamamayan dito sa ilang at kayo ang magiging dahilan ng pagkalipol ng mga Israelita.”

16. Pero lumapit pa sila kay Moises at sinabi, “Gagawa na lang po kami rito ng mga kulungan para sa aming mga hayop at mga lungsod para sa aming mga kababaihan at anak.

17. Pero handa po kaming pangunahan ang aming mga kapwa Israelita sa pakikipaglaban hanggang sa madala namin sila sa kanilang mga lugar. Habang nakikipaglaban kami, dito po maninirahan ang aming mga anak sa napapaderang lungsod na aming ipapatayo para maging ligtas sila sa mga naninirahan sa lupaing ito.

18. Hindi po kami uuwi hanggang sa matanggap ng lahat ng mga Israelita ang lupaing kanilang mamanahin.

19. Pero ayaw naming makatanggap ng lupa kasama nila sa kabila ng Jordan. Mas gusto po namin dito sa bandang silangan ng Jordan dahil nakakuha na kami ng parte namin dito sa silangan ng Jordan.”

20. Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung talagang gagawin ninyo yan, na handa kayo sa pakikipaglaban kasama ang Panginoon,

21. at tatawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Jordan hanggang sa maitaboy ng Panginoon ang kanyang mga kaaway

Bilang 32