Bilang 31:8-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian na sina Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba. Pinatay din nila si Balaam na anak ni Beor sa pamamagitan ng espada.

9. Binihag nila ang mga babae at mga batang Midianita, at sinamsam nila ang kanilang mga hayop at mga ari-arian.

10. Sinunog nila ang lahat ng bayan pati ang lahat ng kampo ng mga Midianita.

11. Dinala nila ang kanilang mga sinamsam, maging tao o hayop man,

12. kina Moises at Eleazar na pari at sa mga mamamayan ng Israel doon sa kanilang kampo sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

13. Sinalubong sila nina Moises, Eleazar na pari at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel sa labas ng kampo.

14. Nagalit si Moises sa mga opisyal ng mga sundalo na nanggaling sa digmaan.

15. Sinabi ni Moises sa kanila, “Bakit hindi ninyo pinatay ang mga babae?

16. Sila ang mga sumunod sa payo ni Balaam sa paghikayat sa mga Israelita na itakwil ang Panginoon doon sa Peor, kaya dumating ang salot sa mamamayan ng Panginoon.

17. Kaya patayin ninyo ang lahat ng batang lalaki, at ang lahat ng babaeng nasipingan na.

18. Pero ang mga babaeng hindi pa nasisipingan ay itira ninyong buhay para sa inyo.

19. Ang lahat sa inyo na nakapatay o nakahipo ng patay ay kailangang manatili sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw. Sa ikatlo at ikapitong araw, kailangang maglinis kayo at ang inyong mga bihag.

20. Linisin ninyo ang lahat ng damit ninyo, pati ang lahat ng kagamitang gawa sa balat o sa balahibo ng kambing o sa kahoy.”

21. Pagkatapos, sinabi ng paring si Eleazar sa mga sundalo na nagpunta sa labanan, “Ito ang tuntunin ng kautusang ibinigay ng Panginoon kay Moises:

24. Sa ikapitong araw, kailangang labhan ninyo ang inyong mga damit at ituturing na kayong malinis, at makakapasok na kayo sa kampo.”

25. Sinabi ng Panginoon kay Moises,

26. “Bilangin ninyo ni Eleazar na pari at ng mga pinuno ng kapulungan ang lahat ng tao at hayop na nabihag.

Bilang 31