1. Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2. “Gantihan mo ang mga Midianita dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita. Pagkatapos mo itong gawin, mamamahinga ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno.”
3. Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Maghanda ang iba sa inyo sa pakikipaglaban sa mga Midianita dahil gusto ng Panginoon na gantihan natin sila.
4. Magpadala ang bawat lahi ng 1,000 tao sa digmaan.”
5. Kaya 12,000 tao na galing sa 12 lahi ng Israel ang naghanda para sa labanan.
6. Ipinadala sila ni Moises sa labanan, 1,000 mula sa bawat lahi na pinamumunuan ni Finehas na anak ng paring si Eleazar. Nagdala si Finehas ng mga kagamitan mula sa templo at ng mga trumpeta para sa pagbibigay-babala.
7. Nakipaglaban sila sa mga Midianita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises at pinatay nila ang lahat ng lalaki.
8. Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian na sina Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba. Pinatay din nila si Balaam na anak ni Beor sa pamamagitan ng espada.
9. Binihag nila ang mga babae at mga batang Midianita, at sinamsam nila ang kanilang mga hayop at mga ari-arian.
10. Sinunog nila ang lahat ng bayan pati ang lahat ng kampo ng mga Midianita.
11. Dinala nila ang kanilang mga sinamsam, maging tao o hayop man,