10. Pero nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito.
11. Pero hindi namatay ang mga anak ni Kora.
12. Ang mga lahi ni Simeon ay ang mga pamilya nina Nemuel, Jamin, Jakin,
13. Zera at Shaul.
14. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Simeon; 22,200 silang lahat.
15. Ang mga lahi ni Gad ay ang mga pamilya nina Zefon, Haggi, Shuni,
16. Ozni, Eri,
17. Arod at Areli.
18. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Gad; 40,500 silang lahat.