Bilang 26:55-56-65 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Hezron at Carmi.

7. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Reuben; 43,730 silang lahat.

8. Ang anak ni Palu ay si Eliab,

9. at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumama kay Kora sa pagrerebelde sa Panginoon sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron.

55-56. Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”

57. Ang mga Levita ay ang mga pamilya nina Gershon, Kohat at Merari.

58. At sa kanila nanggaling ang mga pamilya nina Libni, Hebron, Mahli, Mushi at Kora.Si Kohat ang panganay ni Amram;

59. at ang asawa ni Amram ay si Jochebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jochebed sa Egipto. Sina Amram at Jochebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam.

60. Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

61. Pero namatay sina Nadab at Abihu nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa kanilang paghahandog sa Panginoon.

62. Ang bilang ng mga lalaking Levita na may edad na isang buwan pataas ay 23,000. Hindi sila ibinilang sa kabuuang bilang ng mga Israelita dahil wala silang tinanggap sa lupaing minana ng mga Israelita.

63. Ito ang lahat ng mga Israelitang sinensus ni Moises at ng paring si Eleazar doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

64. Wala ni isang natira sa mga kasama sa naunang sensus na ginawa nina Moises at Aaron sa ilang ng Sinai.

65. Sapagkat sinabi noon ng Panginoon sa kanila na tiyak na mamamatay sila roon sa ilang, at walang makakaligtas sa kanila maliban lang kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.

Bilang 26