Bilang 26:43-60 Ang Salita ng Dios (ASND)

43. Shuhamita ang lahat ng lahi ni Dan; at 64,400 silang lahat.

44. Ang mga lahi ni Asher ay ang mga pamilya nina Imna, Ishvi at Beria.

45. Ang mga angkan ni Beria ay ang mga pamilya nina Heber at ni Malkiel.

46. (May anak na babae si Asher na si Sera.)

47. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Asher; 53,400 silang lahat.

48. Ang mga lahi ni Naftali ay ang mga pamilya nina Jazeel, Guni

49. Jezer at Shilem.

50. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Naftali; 45,400 silang lahat.

51. Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730.

52. Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

53. “Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.

54. Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.

55-56. Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”

57. Ang mga Levita ay ang mga pamilya nina Gershon, Kohat at Merari.

58. At sa kanila nanggaling ang mga pamilya nina Libni, Hebron, Mahli, Mushi at Kora.Si Kohat ang panganay ni Amram;

59. at ang asawa ni Amram ay si Jochebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jochebed sa Egipto. Sina Amram at Jochebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam.

60. Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

Bilang 26