Bilang 26:35-55-56 Ang Salita ng Dios (ASND)

35. Ang mga lahi naman ni Efraim ay ang mga pamilya nina Shutela, Beker, Tahan.

36. Ang mga angkan ni Shutela ay ang mga pamilya ni Eran.

37. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Efraim; 32,500 silang lahat. Ito ang mga pamilyang nanggaling kina Manase at Efraim na mga lahi ni Jose.

38. Ang mga lahi ni Benjamin ay ang sambahayan nina Bela, Ashbel, Ahiram,

39. Shufam at Hufam.

40. Ang mga angkan ni Bela ay ang mga pamilya nina Ard at Naaman.

41. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Benjamin; 45,600 silang lahat.

42. Ang mga lahi ni Dan ay ang mga pamilya ni Shuham.

43. Shuhamita ang lahat ng lahi ni Dan; at 64,400 silang lahat.

44. Ang mga lahi ni Asher ay ang mga pamilya nina Imna, Ishvi at Beria.

45. Ang mga angkan ni Beria ay ang mga pamilya nina Heber at ni Malkiel.

46. (May anak na babae si Asher na si Sera.)

47. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Asher; 53,400 silang lahat.

48. Ang mga lahi ni Naftali ay ang mga pamilya nina Jazeel, Guni

49. Jezer at Shilem.

50. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Naftali; 45,400 silang lahat.

51. Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730.

52. Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

53. “Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.

54. Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.

55-56. Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”

Bilang 26