24. Jashub at Shimron.
25. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Isacar; 64,300 silang lahat.
26. Ang mga lahi ni Zebulun ay ang mga pamilya ni Sered, Elon at Jaleel.
27. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Zebulun; 60,500 silang lahat.
28. Ang mga lahi ni Jose ay nanggaling sa dalawa niyang anak na sina Manase at Efraim.
29. Ang mga lahi ni Manase ay ang mga pamilya ni Makir at ang anak nitong si Gilead.
30. Ang mga angkan ni Gilead ay ang mga pamilya nina Iezer, Helek,
31. Asriel, Shekem,
32. Shemida at Hefer.
33. Ang anak ni Hefer na si Zelofehad ay walang anak na lalaki, pero may mga anak siyang babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza.
34. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Manase; 52,700 silang lahat.
35. Ang mga lahi naman ni Efraim ay ang mga pamilya nina Shutela, Beker, Tahan.
36. Ang mga angkan ni Shutela ay ang mga pamilya ni Eran.