21. Ang mga angkan ni Perez ay ang pamilya nina Hezron at Hamul.
22. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Juda; 76,500 silang lahat.
23. Ang mga lahi ni Isacar ay ang mga pamilya nina Tola, Pua,
24. Jashub at Shimron.
25. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Isacar; 64,300 silang lahat.
26. Ang mga lahi ni Zebulun ay ang mga pamilya ni Sered, Elon at Jaleel.
27. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Zebulun; 60,500 silang lahat.
28. Ang mga lahi ni Jose ay nanggaling sa dalawa niyang anak na sina Manase at Efraim.