10. Pero nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito.
11. Pero hindi namatay ang mga anak ni Kora.
12. Ang mga lahi ni Simeon ay ang mga pamilya nina Nemuel, Jamin, Jakin,
13. Zera at Shaul.
14. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Simeon; 22,200 silang lahat.
15. Ang mga lahi ni Gad ay ang mga pamilya nina Zefon, Haggi, Shuni,
16. Ozni, Eri,
17. Arod at Areli.
18. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Gad; 40,500 silang lahat.
19-20. May dalawang anak na lalaki si Juda na sina Er at Onan, na namatay sa lupain ng Canaan. Pero may mga lahi rin naman si Juda na siyang pamilya nina Shela, Perez at Zera.
21. Ang mga angkan ni Perez ay ang pamilya nina Hezron at Hamul.
22. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Juda; 76,500 silang lahat.
23. Ang mga lahi ni Isacar ay ang mga pamilya nina Tola, Pua,
24. Jashub at Shimron.
25. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Isacar; 64,300 silang lahat.
26. Ang mga lahi ni Zebulun ay ang mga pamilya ni Sered, Elon at Jaleel.