Bilang 26:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pagkatapos ng salot, sinabi ng Panginoon kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron,

2. “Isensus ninyo ang buong mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na 20 taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.”

3. Kaya nakipag-usap sina Moises at Eleazar na pari sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

4. Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na 20 taon pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”Ito ang mga Israelitang lumabas sa Egipto:

5. Ang mga lahi ni Reuben na panganay na anak ni Jacob, ay ang mga pamilya nina Hanoc, Palu,

6. Hezron at Carmi.

7. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Reuben; 43,730 silang lahat.

19-20. May dalawang anak na lalaki si Juda na sina Er at Onan, na namatay sa lupain ng Canaan. Pero may mga lahi rin naman si Juda na siyang pamilya nina Shela, Perez at Zera.

55-56. Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”

Bilang 26