Bilang 25:14-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Ang Israelitang namatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, na pinuno ng isang pamilya na lahi ni Simeon.

15. At ang Midianitang babae ay si Cozbi na anak ni Zur. Si Zur ay isang pinuno ng isang pamilyang Midianita.

16. Sinabi ng Panginoon kay Moises,

17. “Ituring ninyong kaaway ang mga Midianita, at patayin ninyo sila,

Bilang 25