11. “Inalis ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ng paring si Aaron ang aking galit sa mga Israelita. Sa pamamagitan ng kanyang ginawa, ipinakita niya ang kanyang kagustuhan na protektahan ang aking karangalan sa gitna nila. Kaya hindi ko sila nilipol.
12. Kaya sabihin mo sa kanya na gagawa ako ng kasunduan sa kanya na pagpapalain ko siya.
13. At sa kasunduang ito, siya at ang kanyang mga angkan ang magiging mga pari magpakailanman dahil ipinakita niya ang aking galit at tinubos niya ang mga Israelita sa kanilang mga kasalanan.”
14. Ang Israelitang namatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, na pinuno ng isang pamilya na lahi ni Simeon.
15. At ang Midianitang babae ay si Cozbi na anak ni Zur. Si Zur ay isang pinuno ng isang pamilyang Midianita.
16. Sinabi ng Panginoon kay Moises,
17. “Ituring ninyong kaaway ang mga Midianita, at patayin ninyo sila,
18. dahil itinuring din nila kayong kaaway sa pamamagitan ng panlilinlang sa inyo roon sa Peor at dahil din kay Cozbi na anak ng isang pinunong Midianita. Pinatay ang babaeng ito noong dumating ang salot sa Peor.”