19. Mamumuno ang isang pinuno sa Israel at ibabagsak niya ang mga natirang buhay sa lungsod ng Moab.”
20. Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya, “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, pero sa huli, babagsak ito.”
21. Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Keneo at sinabi niya, “Matatag ang inyong tinitirhan, dahil nakapatong ito sa mga bato
22. pero babagsak kayo kapag binihag kayo ng Asiria.”
23. At sinabi pa ni Balaam ang mensaheng ito, “Kahabag-habag, sino ba ang mabubuhay kung gagawin ito ng Dios?
24. Darating ang mga barko mula sa Kitim at sasakupin nila ang mga mamamayan ng Asiria at ng Eber, pero babagsak din ang Kitim.”
25. Pagkatapos, umuwi si Balaam at ganoon din si Balak.