Bilang 11:2-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Israelita kay Moises, at nanalangin si Moises sa Panginoon, at namatay ang apoy.

3. Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera, dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.

4. May mga grupo ng dayuhan na sumama sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, kaya nagreklamo pati ang mga Israelita na nagsasabi, “Kung makakakain man lang sana tayo ng karne.

5. Noong naroon tayo sa Egipto, nakakakain tayo ng mga libreng isda at ng mga pipino, melon, sibuyas at mga bawang.

6. Pero dito wala tayong ganang kumain; puro ‘manna’ lang ang ating kinakain.”

7. Ang mga “manna” na ito ay parang mga buto na maliliit at mapuputi.

10. Narinig ni Moises ang reklamo ng bawat pamilya sa pintuan ng kanilang mga tolda. Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanila, at dahil ditoʼy nabahala si Moises.

11. Nagtanong siya sa Panginoon, “Bakit nʼyo po ako binigyan na inyong lingkod ng malaking problema? Ano po ba ang ginawa ko na hindi kayo natuwa kaya ibinigay ninyo sa akin ang problema ng mga taong ito?

Bilang 11