Awit 4:12-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. O irog ko, aking magiging kabiyak, tulad ka ng isang halamanan na may bukal at nababakuran.

13. Ang mga punoʼy namumunga ng pomegranata at iba pang mga piling bunga. Sagana ito sa halamang henna, nardo,

14. safron, kalamo at sinamon, maging ng ibaʼt ibang klase ng insenso, mira, aloe at iba pang mamahaling pabango.

15. Tulad ka ng isang hardin na may bukal na umaagos mula sa mga kabundukan ng Lebanon.

16. Kayong hanging amihan at habagat, umihip kayo sa aking hardin upang kumalat ang bango nito. Papuntahin ang aking mahal sa kanyang hardin upang kainin ang mga piling bunga nito.

Awit 4