Awit 1:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang pinakamagandang awit ni Solomon.

2. Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig.

3. Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.

4. Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid.Sa piling mo, kami ay maligaya. Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo kaysa anumang inumin.Tama lang na umibig sila sa iyo!

5. O mga babaeng taga-Jerusalem, maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar, pero maganda naman tulad ng kurtina sa palasyo ni Solomon.

Awit 1