Amos 8:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Dios: Nakita ko ang isang basket na may mga hinog na prutas.

2. Tinanong niya ako, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang basket po ng mga hinog na prutas.” Sinabi sa akin ng Panginoon, “Dumating na ang katapusan ng mga mamamayan kong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan.

Amos 8