2 Timoteo 4:20-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Si Erastus ay nanatili sa Corinto, at si Trofimus namaʼy iniwan ko sa Miletus dahil may sakit siya.

21. Sikapin mong makarating dito bago magtaglamig.Kinukumusta ka nina Eubulus, Pudens, Linus, Claudia at ng lahat ng mga kapatid dito.

22. Sumainyo nawa ang Panginoon at ang pagpapala niya.

2 Timoteo 4