2 Timoteo 2:8-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, na nabuhay mula sa mga patay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko

9. na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Pero hindi nakakadenahan ang salita ng Dios.

10. Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Dios, para makamtan din nila ang kaligtasang nakay Cristo Jesus at ang buhay na walang hanggan.

11. Totoo ang kasabihang,“Kung namatay tayong kasama niya,mabubuhay din tayong kasama niya.

12. Kung magtitiis tayo,maghahari rin tayong kasama niya.Kung itatakwil natin siya,itatakwil din niya tayo.

13. Kung hindi man tayo tapat,mananatili siyang tapat,dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”

14. Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Dios na iwasan ang walang kwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig.

15. Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Dios, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

16. Iwasan mo ang makamundo at walang kwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Dios ang mga gumagawa nito.

2 Timoteo 2