2 Timoteo 1:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Kaawaan sana ng Dios si Onesiforus at ang pamilya niya, dahil lagi niya akong tinutulungan, at hindi niya ako ikinahiya kahit na akoʼy isang bilanggo.

17. Sa katunayan, nang dumating siya sa Roma, sinikap niya akong hanapin hanggang sa matagpuan niya ako.

18. At alam na alam mo kung paano niya ako tinulungan noong nasa Efeso ako. Kaawaan sana siya ng Panginoon sa Araw ng Paghuhukom.

2 Timoteo 1