2 Tesalonica 3:11-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Binabanggit namin ito dahil nabalitaan namin na ang ilan sa inyo ay tamad, ayaw magtrabaho, at walang ginagawa kundi makialam sa buhay ng iba.

12. Kaya sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, mahigpit naming inuutusan ang mga taong ito na maghanapbuhay at huwag makialam sa buhay ng iba.

13. At sa inyo naman, mga kapatid, huwag kayong magsawa sa paggawa ng mabuti.

14. Kung mayroon mang ayaw sumunod sa mga sinabi namin sa sulat na ito, tandaan nʼyo kung sino siya at iwasan para mapahiya siya.

15. Ngunit huwag nʼyo siyang ituring na kaaway, kundi paalalahanan siya bilang kapatid.

16. Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon.

2 Tesalonica 3