1. Muling tinipon ni David ang pinakamagagaling na sundalo ng Israel at umabot ito sa 30,000.
2. Lumakad sila papuntang Baala na sakop ng Juda para kunin doon ang Kahon ng Dios, kung saan naroon ang presensya ng Panginoong Makapangyarihan. Nakaluklok ang Panginoon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon.
3-4. Kinuha nina David ang Kahon ng Kasunduan ng Dios na nandoon sa bahay ni Abinadab sa burol at isinakay ito sa bagong kariton. Sina Uza at Ahio na anak ni Abinadab ang umaalalay sa kariton; si Ahio ang nasa unahan.
5. Buong kagalakang nagdiwang si David at ang buong Israel sa presensya ng Panginoon nang buong kalakasan. Umaawit sila at tumutugtog ng mga alpa, lira, tamburin, kastaneta at pompyang.
6. Nang dumating sila sa may giikan ni Nacon, natisod ang mga baka at hinawakan ni Uza ang Kahon ng Kasunduan ng Dios.