2 Samuel 23:20-32 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaya. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoyada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

21. Bukod dito, pinatay niya ang isang napakalaking Egipcio na may armas na sibat, habang isang pamalo lang ang armas niya. Inagaw niya ang sibat sa Egipcio at ito rin ang ipinampatay niya rito.

22. Ito ang mga ginawa ni Benaya na anak ni Jehoyada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong matatapang na tao,

23. pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.

24. Ito ang iba pang miyembro ng 30 matatapang na tao:si Asahel na kapatid ni Joab;si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Betlehem;

25. sina Shama at Elika na taga-Harod;

26. si Helez na taga-Palti;si Ira na anak ni Ikkes na taga-Tekoa;

27. si Abiezer na taga-Anatot;si Mebunai na taga-Husha;

28. si Zalmon na taga-Ahoa;si Maharai na taga-Netofa;

29. si Heleb na anak ni Baana na taga-Netofa;si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea, na sakop ng Benjamin;

30. si Benaya na taga-Piraton;si Hidai na nakatira malapit sa mga daluyan ng tubig sa Gaas;

31. si Abi Albon na taga-Arba;si Azmavet na taga-Bahurim;

32. si Eliaba na taga-Shaalbon;mga anak ni Jasen;

2 Samuel 23