2 Samuel 23:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pinatanyag ng Kataas-taasang Dios si David na anak ni Jesse. Pinili siya ng Dios ni Jacob para maging hari, at sumulat siya ng magagandang awit ng Israel. Ito ang mga huling pangungusap niya:

2. “Nagsalita ang Espiritu ng Panginoon sa pamamagitan ko;ang mga mensahe niyaʼy nasa aking mga labi.

3. Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel,‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,

4. tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap,na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’

5. Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Dios,at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin.Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan.Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diosat ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.

8. Ito ang mga matatapang na tauhan ni David:Si Josheb Bashebet na taga-Takemon ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng 800 tao sa pamamagitan ng sibat niya.

9. Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas Damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita,

10. pero nagpaiwan siya at pinagpapatay niya ang mga Filisteo hanggang sa mapagod na ang kamay niya at manigas sa pagkahawak sa espada. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon. Bumalik kay Eleazar ang mga tumakas na Israelita para kunin ang mga armas ng mga namatay.

11. Ang sumunod ay si Shama na anak ni Agee na taga-Harar. Isang araw, nagtipon ang mga Filisteo sa Lehi, at sinalakay nila ang mga Israelita sa taniman ng mga gisantes. Tumakas ang mga Israelita,

12. pero nagpaiwan si Shama sa gitna ng taniman para protektahan ito, at pinatay niya ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon.

13. Nang panahon ng tag-ani, pumunta kay David ang tatlo niyang tauhan doon sa kweba ng Adulam. Ang tatlong taong itoʼy kasama sa 30 matatapang na tauhan ni David. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim

2 Samuel 23