2 Samuel 22:37-48 Ang Salita ng Dios (ASND)

37. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,kaya hindi ako natitisod.

38. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila,at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

39. Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,at hindi na makabangon sa aking paanan.

40. Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,kaya natalo ko ang aking mga kalaban.

41. Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin,at silaʼy pinatay ko.

42. Humingi sila ng tulong, ngunit walang sinumang tumulong. Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.

43. Dinurog ko sila hanggang sa naging parang alikabok na lamang na inililipad ng hangin,at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.

44. Iniligtas nʼyo ako Panginoon sa mga rebelde kong mamamayan.Ginawa nʼyo akong pinuno ng mga bansa.Ang mga taga-ibang lugar ay sumusunod sa akin.

45. Yumuyukod sila sa akin nang may takot at sinusunod ang aking mga utos.

46. Nawawalan sila ng lakas ng loob,kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.

47. Buhay kayo, Panginoon!Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!

48. Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway,at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.

2 Samuel 22