3. Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong.Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao.
4. Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
5. Tulad ng mga alon, ang kamatayan ay nakapalibot sa akin.Ang mga pinsalaʼy tulad ng malakas na agos na tumatangay sa akin.
6. Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan.
7. Sa aking kahirapan, humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon na aking Dios,at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko roon sa inyong templo.
8. Lumindol, at ang pundasyon ng kalangitan ay nayanig,dahil nagalit kayo, Panginoon.
9. Umusok din ang inyong ilong,at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.
10. Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba,at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.
11. Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,at mabilis na lumipad na dala ng hangin.
12. Pinalibutan mo ang iyong sarili ng kadiliman, ng madilim at makapal na ulap.
13. Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan,at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.
14. Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.
15. Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalabanat nataranta silang nagsitakas.
16. Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito,pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.