27. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama.
28. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas.
29. Panginoon, kayo ang aking liwanagSa kadiliman kayo ang aking ilaw.
30. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.
31. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.Ang inyong mga salita ay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.
32. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.
33. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,at nagbabantay sa aking daraanan.
34. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa,upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.
35. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.
36. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin,at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako.
37. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,kaya hindi ako natitisod.
38. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila,at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.
39. Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,at hindi na makabangon sa aking paanan.
40. Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,kaya natalo ko ang aking mga kalaban.