24. Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan,at iniiwasan ko ang kasamaan.
25. Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,dahil nakita nʼyong wala akong ginagawang kasalanan.
26. Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,at mabuti kayo sa mabubuting tao.
27. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama.
28. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas.
29. Panginoon, kayo ang aking liwanagSa kadiliman kayo ang aking ilaw.
30. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.
31. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.Ang inyong mga salita ay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.
32. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.
33. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,at nagbabantay sa aking daraanan.