2 Samuel 22:15-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalabanat nataranta silang nagsitakas.

16. Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito,pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.

17. At mula sa langit akoʼy inabot nʼyoat inahon mula sa malalim na tubig.

18. Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.

19. Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan.Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.

20. Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

21. Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran.Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.

22. Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.

23. Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos.Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.

2 Samuel 22