2 Samuel 22:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Umawit si David sa Panginoon nang iligtas siya ng Panginoon sa kamay ng mga kalaban niya at kay Saul.

2. Ito ang awit niya:“Panginoon, kayo ang aking matibay na bato na kanlungan at pananggalang.Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.Bilang kanlungan na bato, makakapagtago ako sa inyo.

3. Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong.Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao.

4. Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

5. Tulad ng mga alon, ang kamatayan ay nakapalibot sa akin.Ang mga pinsalaʼy tulad ng malakas na agos na tumatangay sa akin.

6. Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan.

7. Sa aking kahirapan, humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon na aking Dios,at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko roon sa inyong templo.

8. Lumindol, at ang pundasyon ng kalangitan ay nayanig,dahil nagalit kayo, Panginoon.

9. Umusok din ang inyong ilong,at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.

10. Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba,at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.

11. Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

2 Samuel 22