1. Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal kong Ginang na pinili ng Dios, kasama ng iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakakilala sa katotohanan.
2. Minamahal namin kayo dahil sa katotohanang nasa atin at mananatili sa atin magpakailanman.
3. Manatili sana sa atin ang biyaya, awa, at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo na kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig.
4. Labis ang kagalakan ko nang malaman ko na ang ilan sa mga anak mo ay sumusunod sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Dios Ama.