2 Hari 11:3-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Sa loob ng anim na taon, doon nagtago sa templo ng Panginoon si Joash at ang tagapag-alaga niya habang si Atalia ang namamahala sa kaharian at lupain.

4. Nang ikapitong taon, ipinatawag ng paring si Jehoyada ang mga pinunong personal na tagapagbantay ng hari at mga guwardya ng palasyo para papuntahin sa templo ng Panginoon. Gumawa siya ng kasunduan sa kanila at sinumpaan nila ang mga ito roon sa templo ng Panginoon. Pagkatapos, ipinakita sa kanila ang anak ng hari.

5. Sinabi niya sa kanila, “Ito ang gagawin nʼyo: Ang ikatlong bahagi ng mga nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang magbabantay sa palasyo ng hari.

6. Ang isa pang ikatlong bahagi naman ang magbabantay sa Pintuan ng Sur. Ang isa pang grupo ang magbabantay sa pintuan ng palasyo para tumulong sa iba pang mga guwardya na naroon.

7. Ang dalawang grupo sa inyo na hindi nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang siyang magbabantay sa templo ng Panginoon para ingatan ang hari.

8. Dapat ninyong bantayang mabuti ang hari, dala ang inyong mga sandata, sundan nʼyo siya kahit saan siya magpunta. Patayin ninyo ang sinumang lalapit sa inyo.”

9. Ginawa ng mga pinuno ang iniutos ng paring si Jehoyada. Tinipon nila ang mga tauhan nila na nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga, pati na rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon at dinala nila kay Jehoyada.

2 Hari 11