Pero iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazia na si Joash nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosheba ay kapatid ni Ahazia at anak na babae ni Haring Jehoram. Itinago niya si Joash at ang kanyang tagapag-alaga sa isang silid sa templo, kaya hindi siya napatay ni Atalia