2 Cronica 9:27-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Noong panahon na siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay gaya lang ng ordinaryong mga bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga ordinaryong kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.

28. Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula sa Egipto at sa iba pang mga bansa.

29. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Natan, sa Mga Mensahe ni Ahia na Taga-Shilo, at sa mga Pangitain ni Iddo na Propeta, na nagsasabi rin tungkol sa paghahari ni Jeroboam na anak ni Nebat.

30. Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon.

31. Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.

2 Cronica 9