2 Cronica 31:1 Ang Salita ng Dios (ASND)

Pagkatapos ng pista, ang mga Israelita na nagsidalo roon ay nagpunta sa mga bayan ng Juda, at pinagdudurog nila ang mga alaalang bato at pinagputol-putol ang mga posteng simbolo ng diyosang si Ashera. Giniba nila ang mga sambahan sa matataas na lugar sa buong Juda, Benjamin, Efraim at Manase. Pagkatapos nilang gibain ang lahat ng ito, umuwi silang lahat sa kanilang mga bayan at lupain.

2 Cronica 31

2 Cronica 31:1-6