2 Cronica 23:20-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Pagkatapos, isinama niya ang mga kumander, ang mga kilalang tao, at ang lahat ng tao, at inihatid nila ang hari sa palasyo mula sa templo ng Panginoon. Doon sila dumaan sa Hilagang Pintuan. At naupo ang hari sa kanyang trono.

21. Nagdiwang ang mga tao, at naging mapayapa na ang lungsod matapos patayin si Atalia.

2 Cronica 23