15. “Ngayon, kagalang-galang na Solomon, ipadala mo sa amin ang trigo, sebada, alak at langis ng olibo na iyong ipinangako,
16. at puputulin namin ang maraming kahoy na kailangan mo. Pagkatapos, idudugtong namin na parang balsa at palulutangin sa dagat papunta sa Jopa. At kayo na ang magdadala nito sa Jerusalem.”
17. Sinensus ni Solomon ang lahat ng dayuhan gaya ng ginawa ni David na kanyang ama, at ang bilang ay 153,600.
18. Ginawa niya ang 70,000 sa kanila na tagahakot, 80,000 tagatabas ng bato sa mababang bahagi ng bundok, at ang 3,600 kapatas na mamamahala sa mga manggagawa.