1. Bumalik si Jehoshafat sa palasyo niya sa Jerusalem na ligtas,
2. sinalubong siya ni propeta Jehu na anak ni Hanani at sinabi, “Bakit tinulungan mo ang masama at inibig ang napopoot sa Panginoon? Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa iyo.
3. Pero mayroon ding mabuti sa iyo. Inalis mo sa Juda ang posteng simbolo ng diyosang si Ashera at hinangad mo ang sumunod sa Dios.”
4. Nakatira si Jehoshafat sa Jerusalem, pero pinupuntahan niya ang mga tao mula sa Beersheba hanggang sa bulubundukin ng Efraim para hikayatin silang manumbalik sa Panginoon, ang Dios ng kanilang ninuno.
5. Naglagay siya ng mga hukom sa bawat napapaderang lungsod ng Juda.
6. Sinabi niya sa kanila, “Mag-isip muna kayo ng mabuti bago kayo humatol dahil hindi kayo hahatol para sa tao kundi para sa Panginoon, na siyang sumasainyo sa tuwing magbibigay kayo ng hatol.