2 Cronica 17:15-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Ang sumunod sa kanya ay si Jehohanan na kumander ng 280,000 sundalo.

16. Sumunod ay si Amasia na anak ni Zicri, na kumander ng 200,000 sundalo. Nagkusang-loob siya para sa gawain ng Panginoon.

17. Mula sa lahi ni Benjamin: si Eliada, na isang matapang na tao, ang kumander ng 200,000 sundalo. Ang mga sundalong itoʼy may mga pananggalang at mga pana.

18. Ang sumunod sa kanya ay si Jehozabad na kumander ng 180,000 armadong sundalo.

19. Sila ang mga naglilingkod kay Haring Jehoshafat bukod pa sa mga sundalo na kanyang inilagay sa lahat ng napapaderang lungsod sa Juda.

2 Cronica 17