2 Cronica 14:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Namatay si Abijah at inilibing sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari. Sa panahon ng paghahari niya, nagkaroon ng kapayapaan sa Juda sa loob ng sampung taon.

2. Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon na kanyang Dios.

3. Ipinagiba niya ang mga altar ng mga dios-diosan at ang mga sambahan sa matataas na lugar. Ipinagiba rin niya ang mga alaalang bato at pinaputol ang posteng simbolo ng diyosang si Ashera.

2 Cronica 14