8. Gat, Maresha, Zif,
9. Adoraim, Lakish, Azeka,
10. Zora, Ayalon at Hebron. Ito ang mga napapaderang lungsod sa Juda at Benjamin.
11. Pinatatag niya ang mga tanggulan nito at pinalagyan ito ng mga kumander. Silaʼy binigyan niya ng mga pagkain, langis ng olibo, at katas ng ubas.
12. Pinalagyan niya ang mga lungsod ng mga pananggalang at mga sibat bilang dagdag na pampatibay. Kaya ang Juda at ang Benjamin ay naging sakop niya.
13. Pero ang mga pari at mga Levita na nakatira kasama ng ibang lahi ng Israel ay kumampi kay Rehoboam.
14. Ang mga Levitang ito ay iniwan ang kanilang bahay at lupa, at lumipat sa Juda at Jerusalem dahil itinakwil sila ni Jeroboam at ng mga anak nito bilang mga pari ng Panginoon.
15. Nagtalaga si Jeroboam ng sarili niyang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar, kung saan sumasamba sila sa kanilang mga dios-diosan na kambing at baka na gawa ni Jeroboam.
16. Ang mga Israelita sa ibang lahi ng Israel na gustong dumulog sa Panginoon, ang Dios ng Israel ay sumunod sa mga Levita sa Jerusalem, para makapaghandog sila ng mga handog sa Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno.