2 Corinto 3:8-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. higit pa ang ipapakita niyang kapangyarihan kung kikilos na ang Espiritu.

9. Kung nagpakita ang Dios ng kapangyarihan niya sa pamamagitan ng Kautusan na nagdudulot ng hatol na kamatayan, higit pa ang ipapakita niyang kapangyarihan sa pagpapawalang-sala sa mga tao.

10. Ang totoo, balewala ang kapangyarihan ng Kautusan kung ihahambing sa kapangyarihan ng bagong pamamaraan ng Dios.

11. Kung may kapangyarihang ipinakita ang Dios sa pamamagitan ngKautusan na lumilipas, higit pa ang kapangyarihang ipinapakita niya sa bagong pamamaraang ito na nananatili magpakailanman.

12. At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Dios.

2 Corinto 3