2 Corinto 11:30-33 Ang Salita ng Dios (ASND)

30. Kung kailangan kong magmalaki, ang ipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan.

31. Hindi ako nagsisinungaling, at alam iyan ng Dios at Ama ng ating Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman!

32. Noong akoʼy nasa lungsod ng Damascus, pinabantayan ng gobernador na sakop ni Haring Aretas ang pintuan ng lungsod para dakpin ako.

33. Ngunit inilagay ako ng aking mga kasama sa isang kaing at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod, kaya nakatakas ako.

2 Corinto 11