1 Timoteo 3:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Kailangan ding mahusay siyang mamahala sa pamilya niya; iginagalang at sinusunod ng mga anak niya.

5. Sapagkat kung hindi siya marunong mamahala sa sariling pamilya, paano siya makakapangasiwa nang maayos sa iglesya?

6. Dapat ay hindi siya bagong mananampalataya, at baka maging mayabang siya at mahatulan katulad ni Satanas.

7. Bukod pa rito, kailangang iginagalang siya ng mga hindi miyembro ng iglesya para hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diablo.

8. Ganoon din naman sa mga tagapaglingkod sa iglesya: kailangang kagalang-galang sila, tapat sa kanilang salita, hindi lasenggo, at hindi sakim.

9. Kailangang iniingatan nila nang may malinis na konsensya ang ipinahayag na katotohanan tungkol sa pananampalataya kay Cristo.

1 Timoteo 3