1 Timoteo 2:8-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Gusto kong sa lahat ng pagtitipon-tipon ay manalangin ang mga lalaki nang may malinis na kalooban, na sa pagtaas nila ng kamay sa pananalangin ay walang galit o pakikipagtalo.

9. Gusto ko rin na maging maayos at marangal ang mga babae sa pananamit nila, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit.

10. Sa halip, magpakita sila ng mabubuting gawa na nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Dios.

11. At kung may nagtuturo, dapat tahimik na makinig ang mga babae at lubos na magpasakop.

12. Hindi ko pinahihintulutan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki. Kailangang tumahimik lang sila.

13. Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva,

14. at hindi si Adan ang nadaya, kundi si Eva ang nadaya at lumabag sa utos ng Dios.

1 Timoteo 2