1 Tesalonica 5:15-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat.

16. Lagi kayong magalak,

17. laging manalangin,

18. at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

19. Huwag ninyong hadlangan ang ginagawa ng Banal na Espiritu,

20. at huwag ninyong hamakin ang mga pahayag ng Dios.

21. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat para malaman kung galing ito sa Dios o hindi. Panghawakan nʼyo ang mabuti,

1 Tesalonica 5