1 Tesalonica 4:2-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Sapagkat alam naman ninyo ang mga utos ng Panginoong Jesus na ibinigay namin sa inyo:

3. Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad.

4. Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,

5. at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Dios,

6. upang sa ganoon, hindi kayo makagagawa ng masama o mananamantala ng kapwa, dahil parurusahan ng Dios ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng sinabi at pinaalala namin sa inyo noon pa.

7. Tinawag tayo ng Dios para mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.

8. Ang sinumang hindi sumusunod sa mga utos na ito ay hindi sa tao sumusuway kundi sa Dios na nagbibigay sa inyo ng kanyang Banal na Espiritu.

9. Ngayon, tungkol sa pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon, hindi na kayo kailangang paalalahanan pa tungkol dito, dahil ang Dios na mismo ang nagturo sa inyo na magmahalan.

1 Tesalonica 4