1. Mga kapatid, natutunan nʼyo sa amin kung paano mamuhay nang kalugod-lugod sa Dios, at ito nga ang ginagawa ninyo. Hinihiling namin ngayon sa pangalan ng Panginoong Jesus na lalo nʼyo pa sana itong pag-ibayuhin.
2. Sapagkat alam naman ninyo ang mga utos ng Panginoong Jesus na ibinigay namin sa inyo:
3. Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad.
4. Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,